Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na bumaba na umano ang naitalang crime rate sa bansa.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Miyerkules, Pebrero 19, 2025, tinatayang nasa 26.76% ang ibinaba ng crime rate sa bansa batay sa inilabas na datos ng PNP mula Enero 1 hanggang Pebrero 14. Katumbas ito ng 3,528 crime cases.
“While some crimes have gained more visibility on social media, official records from all 17 police regional offices indicate a notable decline in the country’s overall crime rate,” ani Marbil.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Marbil ang nagagawa umano ng social media sa paglutas at pagresponde ng mga awtoridad.
“Crimes may seem more visible because they go viral on social media, but what’s crucial is that the same platforms help speed up investigations and bring criminals to justice. We encourage responsible reporting—use social media as a tool for safety, not panic,” anang PNP chief.
Nabanggit din ng PNP na ang kalimitang krimen na kanilang naitala ay pagnanakaw, murder, homicide, physical injury at carnapping kasama ang ilang motorsiklo.
Nakitaan din ng PNP ang kaso ng rape cases sa bansa na lubha umanong bumaba ng 50.6% , kung saan mula 1,261 rape cases sa first quarter ng 2024 ay nakapagtala na lamang daw sila ng 623 nitong 2025.
Dagdag pa ni Marbil, "These figures reflect our firm commitment to ensuring safer communities. The data speaks for itself—crime is going down. Our strategic efforts, public cooperation, and the use of technology are making a real impact."