Iginiit ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na wala umanong kinalaman ang Malacañang sa pagsasampa nila ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kontrobersyal niyang pahayag kamakailan.
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’
Sa isang press conference noong Martes, Pebrero 18, 2025, iginiit ni CIDG chief Police Major General Nicolas Torre III na hindi rin daw dapat makialam ang Palasyo sa nasabing isyu.
“Wala naman, eh. I don’t think that Malacañang should get involved in this dahil ito naman ay pure law enforcement. Ang pulis ay law enforcers. So may nakikita tayong violation of law,” ani Torre.
Matatandaang nagsampa si Torre ng reklamong “inciting to sedition at unlawful utterances” laban kay FPRRD dahil umano sa naging pahayag niyang papatay na lamang siya ng 15 senador upang magkaroon ng puwesto ang walo nilang kandidato para sa Senado sa 2025 midterm elections.
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, kinasuhan ni PNP CIDG chief Nicolas Torre
Nilinaw rin ni Marbil na hindi umano nangangailangan ng private complainants ang kanilang isinumiteng reklamo.
“Ang mga kasong ifinile ko, ang finile ng CIDG sa DOJ ay hindi nangangailangan ng private complainant. Hindi namin kailangan ng Senado, hindi namin kailangan ng Malacañang dito para mai-file ang kaso,” saad ni Torre.