February 21, 2025

Home BALITA Metro

CEAP NCR, nanawagang ituloy pag-alala sa People Power I

CEAP NCR, nanawagang ituloy pag-alala sa People Power I
Photo Courtesy: CEAP NCR (FB), via MB

Hinimok ng Catholic Educational Association of the Philippines - National Capital Region (CEAP NCR) ang mga paaralang kaanib nila na ipagpatuloy ang paggunita sa anibersaryo ng maksaysayang People Power I Revolution.

Sa pahayag na inilabas ng asosasyon nitong Miyerkules, Pebrero 19, iminungkahi nila sa lahat ng institusyon na bahagi ng CEAP NCR na italaga ang Pebrero 25 bilang non-academic, non-working day.

“This designation affords students and educators the opportunity to actively participate in commemorative events, reflect upon the values upheld during the People Power Revolution, and pay homage to the sacrifices of those who struggled for the nation's freedom,” saad ng CEAP NCR.

Bukod dito, hinikayat din nila ang mga paaralang kaanib ng CEAP NCR na mag-organisa ng mga makahulugang gawain na makakapagmulat sa mga estudyante sa epekto ng People Power Revolution sa lipunang Pilipino.

Metro

₱2000 allowance, matatanggap na ng higit 18K estudyante ng PLM at UdM

Anila, “These activities may include lectures, discussions, film screenings, exhibits, and community outreach programs.”

Matatandaang batay sa inilabas na listahan ng Malacañang noong Oktubre 2024, hindi muli kasama ang EDSA anniversary sa holidays ngayong 2025.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng mga holiday para sa 2025

Pero sa kabila nito, may ilang paaralan na nauna nang nagsuspinde ng klase sa Pebrero 25 para alalahanin ang nasabing anibersaryo.

MAKI-BALITA: DLSU, magpapatupad ng 'Alternative Learning Day' para sa EDSA anniversary

MAKI-BALITA: EDSOR schools, ipagdiriwang bilang 'special non-working holiday' ang EDSA anniversary

MAKI-BALITA: Ilang mga paaralan, nagdeklara ng kanselasyon ng klase para sa EDSA anniversary