February 23, 2025

Home BALITA Metro

Taas-pasahe sa LRT-1 ipapatupad sa Abril

Taas-pasahe sa LRT-1 ipapatupad sa Abril
Photo Courtesy: LRMC (FB)

Inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang taas-pasaheng pinetisyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) para sa Light Rail Transportation-1(LRT-1).

Ayon sa LRMC nitong Martes, Pebrero 18, nakatakda umanong ipatupad ang revised fare matrix mula Abril 2, 2025.

Papatak na sa ₱20.00 ang minimum fare na noon ay ₱15.00 lang. Samantala, ang dating ₱50.00 na maximum fare ay aabot na sa ₱55.00. 

Mababa ito ng ₱5.00 kumpara sa proposed fare scheme ng LRMC.

Metro

Rambulan ng mga estudyante sa Pasig, nauwi sa saksakan

Matatandaang noong Enero ay nagsagawa ang DOTr Rail Regulatory Unit (RRU) ng public hearing kaugnay sa naturang petisyon ng LRMC upang marinig ang panig ng iba’t ibang stakeholders.

MAKI-BALITA: Petisyong taas-pasahe ng LRT-1, dedesisyunan ng DOTr sa loob ng 1-buwan