February 21, 2025

Home BALITA National

Sen. Risa, sang-ayon kay Sen. Koko na dapat dinggin na agad impeachment vs VP Sara

Sen. Risa, sang-ayon kay Sen. Koko na dapat dinggin na agad impeachment vs VP Sara
MULA SA KALIWA: Sen. Risa Hontiveros, VP Sara Duterte, at Sen. Koko Pimentel (FB; file photo)

Sinang-ayunan ni Senador Risa Hontiveros ang naging tindig ni Senador Koko Pimentel na dapat nang simulan ang trial proceedings sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte dahil ito raw ang nakasaad sa Konstitusyon.

Sa isang ambush interview nitong Martes, Pebrero 18, sinabi ni Hontiveros na dapat talagang agad na “mag-convene” ang Senado kapag naipasa na sa kanila ang impeachment.

“Nakikiisa ako doon sa sulat na inilabas ng aking Minority Leader na si Senator Koko Pimentel na sa kaniyang pag-intindi sa Konstitusyon ay malinaw ang utos sa amin na once ma-transmit sa amin ang Articles of Impeachment, tulad ng nangyari, ay agad na mag-convene,” ani Hontiveros.

Nito lamang ding Martes nang ilabas ang sulat ni Senador Koko Pimentel kay Senate President Chiz Escudero upang igiit na dapat nang dinggin ng Senado ang impeachment complaint laban kay Duterte dahil nakasaad daw sa Konstitusyon ang salitang “forthwith,” na may Filipino translation na “agad.”

National

₱1.3-M halaga ng high-grade marijuana, nasamsam ng BOC

MAKI-BALITA: Pimentel, sinulatan si SP Chiz ukol sa VP Sara impeachment; iginiit Fil. translation ng 'forthwith'

Matatandaang noong Pebrero 10 nang sabihin ni Escudero na magsisimula ang paglilitis ng Senado sa naipasang impeachment complaint laban kay Duterte pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

MAKI-BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz

Noong Pebrero 5 nang maiakyat na sa Senado ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Duterte matapos itong aprubahan ng House of Representatives sa pamamagitan ng mahigit 215 na pirma ng mga mambabatas.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng solons na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara