April 23, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee, ‘di takot sa pahayag ni FPRRD ukol sa ‘pagpatay’ ng 15 senador: ‘Kasi ako, love!’

Sen. Imee, ‘di takot sa pahayag ni FPRRD ukol sa ‘pagpatay’ ng 15 senador: ‘Kasi ako, love!’
Sen. Imee Marcos at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (Photo: Senate/YouTube screengrab; file photo)

“Ako hindi natatakot. Kasi ako, love…”

Ipinahayag ni Senador Imee Marcos na hindi siya natatakot sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpatay ng 15 senador upang magkaroon ng puwesto ang walong kandidato ng PDP-Laban para sa Senado, dahil mahal daw siya nito.

Sa isang press conference nitong Martes, Pebrero 18, sinabi ni Marcos na ang mga natatakot umano sa pahayag ng dating pangulo ay maaaring “balakid” o kapag binaliktad daw ay “di ka lab” o hindi mahal.

“Baka sila, balakid. Alam mo yun, balakid? Di ka lab [love],” ani Marcos. “Ako kasi hindi natatakot. Kasi ako, love.”

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Nang tanungin naman kung ang dating pangulo ang may “love” sa kaniya, tumawa ang senadora, at sinabing: “Oo.”

“Balakid siguro sila kaya kinakabahan,” saad pa ni Marcos.

Samantala, sinabi ni Marcos na sanay na umano ang mga tao sa “Davao trashtalk” kaya’t hindi raw siya nababahala sa naging pahayag ng dating pangulo.

“Sanay na rin tayo sa Davao trashtalk, ‘di ba? Without passing judgment na masama o mabuti, parang namihasa na rin tayo sa karirinig. Pero ayun, palibhasa hindi ako balakid, hindi ako afraid,” saad ni Marcos.

Matatandaang sa isinagawang proclamation rally ng PDP-Laban nitong Huwebes, Pebrero 13, nagbigay ng pahaging si Duterte ukol sa kasalukuyang mga senador para raw magkaroon ng puwesto sa Senado ang walo nilang senatorial candidates sa PDP-Laban.

“Ngayon, marami kasi sila, ano'ng dapat na gawin natin? Eh ‘di patayin natin yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 senador, pasok na tayong lahat. Pero kawawa naman. Pero nakakainis kasi yung–hindi naman lahat. Talking of opportunities, the only way to do it is pasabugin na lang natin 'yang ano,” saad ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’

Nito lamang namang Lunes, Pebrero 17, nang maghain si PNP CIDG Brig. Gen. Nicolas Torre III ng reklamo laban kay Duterte dahil sa nasabing pahayag.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, kinasuhan ni PNP CIDG chief Nicolas Torre