February 19, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Kung ayaw n'yo mga kapatid ko, please don't vote for them' —Sen. Raffy Tulfo

'Kung ayaw n'yo mga kapatid ko, please don't vote for them' —Sen. Raffy Tulfo
Photo Courtesy: Ellson Quismorio/ MB, Screenshot from One PH, MJ Salcedo/Balita

Nagbigay ng reaksiyon si Senador Raffy Tulfo hinggil sa paratang na silang magkakapatid na sina veteran broadcaster Ben Tulfo at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ay political dynasty.

Matatandaang parehong naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador ang Tulfo Brothers noong Oktubre sa The Manila Hotel Tent City para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

MAKI-BALITA: Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

MAKI-BALITA: Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Eleksyon

Arlene Brosas, nag-demand ng public apology mula kay Jimmy Bondoc

Sa latest episode ng “Morning Matters with Gretchen Ho” sa One PH nitong Martes, Pebrero 18, sinabi niyang ipauubaya na lang umano niya sa tao ang desisyon tungkol dito.

“I’ll leave it up to the people. Kasi kung gusto ka ng tao, iboboto ka nila. Kung ayaw ka nila, maiisip nila ay dynasty ito. Ang dami naman, walang ginagawa,” saad ni Tulfo.

Dagdag pa niya, “Kung ayaw n’yo mga kapatid ko, please don’t vote for them. Pero kung gusto n’yo sila dahil sa tingin n’yo makakapagsilbi sila nang maayos, then go ahead. Kayo na ang mag-decide.”

Sa kasalukuyan, sinampahan ng disqualification case sina Erwin at Ben maging ang tatlo pang miyembro ng Tulfo clan kaugnay sa paparating na halalan.

MAKI-BALITA: Tulfo Brothers, iba pang kumakandidatong kaanak, sinampahan ng disqualification case