Inanunsiyo na ng TBA Studios ang aktor na bibida sa pelikulang “Quezon” ni Jerrold Tarog na bahagi ng Bayaniverse.
Sa latest Facebook post ng TBA nitong Martes, Pebrero 18, ipinakilala nila si Kapamilya actor Jericho Rosales bilang si dating Pangulong Manuel Luis Quezon.
“Jericho Rosales is Quezon. Quezon, a film by Jerrold Tarog, from the creators of Heneral Luna and Goyo: Ang Batang Heneral, exclusively in cinemas this 2025. #Quezon” saad sa caption.
Umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Please sana may scene nung away nila ni Aguinaldo umabot sa pagpapahukay sa bangkay ni Bonifacio!!!! TBA Studios grabe exciteee ko ditooo”
"Bring back TJ lol"
"Akala ko si Bagatsing"
"TJ Trinidad sana"
"wow anv lupeeet"
"wala naman problem kay Jericho pero nasira lang yung continuity"
Matatandaang Enero nang ianunsiyo ng TBA Studios na sisimulan na raw sa Marso ang produksiyon ng naturang historical film.
MAKI-BALITA: ‘Bayaniverse is back!’ Produksyon ng historical film 'Quezon,' sisimulan na sa Marso
Kilala si Quezon sa kasaysayan bilang unang pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Commonwealth. .
Siya rin ang itinuturing na "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa panahon ng kaniyang administrasyon nagkaroon ng pagsulong na magkaroon ng wikang panlahat ang Pilipinas.
Pero bago pa man ito ay kasama siyang nakidigma nang sumiklab ang Philippine-American War noong 1899.