February 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Grace Poe, inendorso sina Pia Cayetano, Tito Sotto at Bam Aquino sa pagkasenador

Sen. Grace Poe, inendorso sina Pia Cayetano, Tito Sotto at Bam Aquino sa pagkasenador
Photo courtesy: Grace Poe, Pia Cayetano, Tito Sotto, Bam Aquino/Facebook

Nanawagan si Sen. Grace Poe sa mga dumalo sa campaign rally ng FPJ Partylist sa San Carlos City, Pangasinan na iboto ang mga kumakandidatong senador na sina Pia Cayetano, Tito Sotto III at Bam Aquino sa darating na 2025 Midterm Elections. 

Sa kaniyang talumpati, inilahad ni Poe ang personal niyang karanasan kung paano raw nasubok ang integridad nina Cayetano sa kabila ng kanilang pagkakaiba ng kanilang mga partido. 

“Noong nagkaroon ng isyu na tanggalin pa ako  sa senado dahil hindi nila alam kung sino ang aking biological parents, si Sen. Pia ang isa sa nanindigan. Silang tatlo, Senator Pia, Senator Bam, Senator Tito Sotto ang mga bumoto para manatili ako doon,” ani Poe. 

Dagdag pa niya: Kaya malalaman mo ang integridad. Yung mga pulitika namin iba-iba. Si Sen. Bam 'LP' (Liberal Party), si Sen. Pia 'NP' (Nacionalista Party), si Sen. Tito 'NPC' (National People's Coalition), ako independent, pero balewala ang pulitika kung ang iyong ipinaglalaban ay katotohanan. Hindi ako mapapahiya sa inyo kung sila ang ibinoto niyo…”

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Sen. Bato: 'Matibay ang Bato, Hindi matitibag ang Bato!'

Kasalukuyang nasa ilalim ng senatorial slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na Alyansa para sa Bagong Pilipinas sina Cayetano at Sotto habang si Aquino naman ay kasalukuyang nasa Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino matapos siyang umalis sa Liberal Party noong 2024.