February 23, 2025

Home BALITA National

Mga planong pagpapapatay sa kapuwa, 'worrying sign of a serious personality disorder'—Sen. Koko

Mga planong pagpapapatay sa kapuwa, 'worrying sign of a serious personality disorder'<b>—Sen. Koko</b>
Photo courtesy: Sen. Koko Pimentel/Facebook

Tila may naging pahaging si Sen. Koko Pimentel hinggil sa mga taong malimit umanong magbantang pumatay ng kapuwa tao.

Sa pamamagitan ng text message nitong Lunes, Pebrero 17, 2025, nagbigay ng komento si Pimentel hinggil sa naging pahaging ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa umano'y planong pagpatay sa 15 senador upang makapasok sa senado ang walong kandidato ng PDP-Laban. 

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’

"Let the Department of Justice (DOJ) and National Bureau of Investigation (NBI) do their work. They should know if given the facts whether a crime has been committed or not. If there is no crime whatsoever then let us drop the issue," ani Pimentel. 

National

Chel Diokno, nakiisa sa paggunita ng EDSA anniv: 'Buhay ang EDSA!'

Bagama't walang pinangalanang tao, iginiit din ng senador na tila maituturing na "personality disorder" ang umano'y taong malimit daw magbanta sa buhay ng kaniyang kapuwa. 

"A person's obsession with the topic of death and killing, mentioning it every time he or she speaks, is a worrying sign of a serious personality disorder," anang senador.