Ibinahagi ni Kapamilya actress at Silent Superstar Jodi Sta. Maria ang bagong milestone sa buhay niya.
Sa latest Instagram post ni Jodi noong Linggo, Pebrero 16, sinabi niyang nagkaroon siya ng pribilehiyong makapag-present ng papel sa isang research conference.
“Yesterday, I had the privilege of presenting my research paper, The Impact of the NADA Protocol (Ear Acudetox) on the Anxiety Level of People Working in Television Production at the Consortium of the South International Faculty Research Conference,” lahad ni Jodi.
Dagdag pa niya, “Hindi ko inakala na mangyayari ito ever sa buhay ko! It felt nerve-wracking but so fulfilling to share my study esp since it is something close to my heart . I had an amazing time learning and interacting with the other presenters too!”
Kaya naman grateful daw siya sa pagkakataong naibigay at sa bawat isang sumuporta sa kaniya.
Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo ni Jodi ang pamamahinga niya pansamantala sa showbiz upang maipagpatuloy ang pag-aaral at makakuha ng master’s degree sa clinical psychology.