Hinikayat ni disbarred lawyer at anti-poverty czar Larry Gadon si Vice President Sara Duterte na magbitiw sa posisyon matapos nitong ma-impeach.
Sa video statement na inilabas ni Gadon nitong Lunes, Pebrero 17, sinabi ni Gadon ang dahilan kung bakit niya pinapag-resign ang bise-presidente.
Ayon sa kaniya, “VP Sara Duterte should resign and not wait for the impeachment trial to proceed. Kailangan mag-resign siya para pwede pa siyang tumakbo sa 2028 for presidential elections.”
“Gustong-gusto ko siyang tumakbo kasi gusto ko silang mapahiya na talagang walang boto ang mga Duterte. Masyado lang silang nagke-claim na number one,” wika niya.
Dagdag pa niya, “Hindi enough ‘yong boto nila para magluklok ng president sa Malacañang.”
Sa kasalukuyan, nakabinbin pa rin ang impeachment trial ni Duterte sa Senado. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, gugulong ang paglilitis pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hulyo.
MAKI-BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz