Binuweltahan ni disbarred lawyer at anti-poverty czar Larry Gadon ang pagkapanalo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential elections.
Sa video statement na inilabas ni Gadon nitong Lunes, Pebrero 17, sinabi niyang hindi raw sapat ang boto ng mga Duterte para makapagluklok ng presidente sa Malacañang.
“In 2016, kaya lang nanalo si former president Rodrigo Roa Duterte is because dinala siya ng mga Marcos, ng Marcos loyalists, ng Ilocandia,” saad ni Gadon.
Dagdag pa niya, “Kung wala ‘yon, wala siyang boto. Kaunting-kaunti lang naman ang boto ng Davao saka ilang probinsya ng Visayas. Pero hindi enough ‘yon na makakapag-elect ng president.”
Ayon kay Gadon, wala raw silang pagpipilian noong 2016 kaya napilitan na lang silang iboto si Duterte.
“Noong nangako si Duterte na ipapalibing si the late president Ferdinand Marcos, Sr. sa Libingan Ng Mga Bayani. E ‘di do’n na lang napunta ang suporta namin. No choice,” aniya.