Nagsampa si PNP CIDG Brig. Gen. Nicolas Torre III ng reklamo laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa naging pahayag niyang papatay na lamang siya ng 15 senador upang magkaroon ng puwesto ang walo nilang kandidato para sa Senado sa 2025 midterm elections.
Nitong Lunes, Pebrero 17, nang isampa ni Torre ang reklamong “inciting to sedition at unlawful utterances” laban kay Duterte sa DOJ.
Matatandaang sa isinagawang proclamation rally ng PDP-Laban nitong Huwebes, Pebrero 13, nagbigay ng pahaging si Duterte ukol sa kasalukuyang mga senador para raw magkaroon ng puwesto sa Senado ang walo nilang senatorial candidates sa PDP-Laban.
“Ngayon, marami kasi sila, ano'ng dapat na gawin natin? Eh ‘dii patayin natin yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 senador, pasok na tayong lahat. Pero kawawa naman. Pero nakakainis kasi yung–hindi naman lahat. Talking of opportunities, the only way to do it is pasabugin na lang natin 'yang ano,” saad ng dating pangulo.
MAKI-BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’
**Ito ay isang developing story