February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ely Buendia, nagsalita ulit sa isyung tungkol kay Pepsi Paloma kantang 'Spoliarium'

Ely Buendia, nagsalita ulit sa isyung tungkol kay Pepsi Paloma kantang 'Spoliarium'
Photo courtesy: Ely Buendia (FB) via Balita/via Darryl Yap (FB)

Muling nilinaw ng lead vocalist ng bandang Eraserheads na si Ely Buendia na hindi totoo ang mga nauna nang kumalat na tsikang tungkol sa umano'y isyu ng rape sa sexy star na si "Pepsi Paloma" ang kanilang awiting "Spoliarium" na sumikat noong 80s.

"It's not about Pepsi," giit ni Ely sa isinagawang media conference para sa documentary film na "Eraserheads: Combo on the Run" nitong Lunes, Pebrero 17.

Matatandaang matagal nang usap-usapang ang nabanggit na awitin ay nagdedetalye raw sa trahedyang kinasapitan ni Pepsi.

Noong 2021 ay nauna nang na-debunk ni Ely ang tungkol sa matagal nang myth at haka-haka patungkol sa kanilang awitin, sa podcast nina Saab Magalona at Jim Bacarro. Aniya, ang kanta ay patungkol lang daw talaga sa pag-inom ng alak, to the point na nakahandusay na sila sa lupa, kagaya sa mga nakikita sa pamosong painting ni Juan Luna.

Tsika at Intriga

Kathryn, ipapartner daw kay Donny; si Belle naman kay Robbie Jaworski?

"Alam n'yo 'yong drink na Goldshläger? So we were drinking that, and that gintong alak, that’s what it meant. It’s all about getting pissed drunk," ani Ely. 

Tungkol naman sa nabanggit na mga pangalang "Enteng" at "Joey," sila raw ay mga tunay na tao na road managers nila nang mga panahong iyon, taliwas sa mga haka-hakang ang Enteng na tinutukoy rito ay ang sikat na karakter ng "Eat Bulaga" host na si Vic Sotto (Enteng Kabisote) at ang Joey naman, umano'y si Joey De Leon. 

Mabilis naman itong pinabulaanan ng singer. 

"They were roadies. Kaya first time ko nabasa 'yon, that urban legend, sabi ko, ‘Wow, okay ‘to ah.' There really is, sometimes, 'yong mga coincidence like that, you have no power over that. It just happens," paliwanag ng lead vocalist. 

Matatandaang muling nauungkat si Pepsi Paloma dahil sa pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" ng direktor na si Darryl Yap.