Naglabas ng video statement ang content creator na si Crist Briand matapos niyang ihian ang campaign poster ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos siyang sitahin at hingan ng public apology ng legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon.
Kaya sa Facebook reels ni Crist noong Linggo, Pebrero 16, humingi siya ng paumanhin sa ginawa niya sa poster ng pastor na matatagpuan sa labas ng KOJC compound.
“I am deeply sorry to Pastor Apollo Quiboloy, to the members of KOJC team, and to all the people I offended, and especially to my family members who are also stressed for what happened,” saad ni Crist.
Dagdag pa niya, “This will be a learning experience for me, and also a part of growth as a content creator and entertainment vlogger. Blessed and loved.”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, burado na ang kontrobersiyal na content ni Crist.