February 19, 2025

Home FEATURES Balitang Pag-Ibig

Cheater, nakipag-ayos sa nilokong ex dahil ikakasal na: ‘Saksak mo sa baga mo sorry mo!’

Cheater, nakipag-ayos sa nilokong ex dahil ikakasal na: ‘Saksak mo sa baga mo sorry mo!’
Photo courtesy: Freepik

Mapapatawad mo ba ang dati mong jowang ikakasal na kapag humingi na siya ng forgiveness, lalo na kung malalim ang naging panloloko sa iyo?

Iyan ang tila sitwasyong hinarap ng isang anonymous netizen na nakaranas na maloko ng kaniyang cheater na ex-jowa, hanggang sa makalipas ang apat na taon, muli itong nagbalik para humingi ng tawad sa kaniya dahil ikakasal na siya.

Ayon sa viral Facebook post na naka-upload sa page na "Truth Slaps," nakikipag-ayos daw sa nabanggit na netizen ang kaniyang cheater ex makalipas ang apat na taon dahil ikakasal na raw.

Aminado naman ang netizen na inasam niyang dumating ang panahong mangyayari ang paghingi nito ng tawad sa kaniya para ma-feel vindicated na siya at makaramdam na finally ng peace at healing. Ang nangyari daw kasi, nang mahuli niya ang ex-jowa na nagloko, sinisi pa siya dahil sa pagiging toxic at nakakasakal daw niya sa kanilang relasyon.

Balitang Pag-Ibig

ALAMIN: Ang hiwaga ng 'Channel 108' at 'Channel 110' sa isang hotel

"Napakaselfish nya. Sa 4 years na lumipas pagkatapos bya akong lokohin, walang paramdam kase wala syang kailangan sakin. Ngayon kailangan nya ng forgiveness ko to feel better about himself para dyan sa clean slate na yan, ngayon lang sya magsosorry?" giit ng netizen.

"I told him isaksak nya sa baga nya ang sorry nya. Na dalhin nya hanggang sa hukay nya na cheater sya, at cheater din ang magiging nanay ng mga anak nya. Ang magiging wife nya is yung 'girl best friend' nya that he cheated on me with 4 years ago. Yung girl is my boyfriend din nung time na yon so pareho silang nagloko to be with each other," dagdag pa niya.

Paliwanag pa ng netizen, hindi raw niya kailangang magpatawad para magkaroon ng peace at healing. Naka-move on na raw siya at masaya na sa kaniyang buhay.

Photo courtesy: Truth Slaps (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens lalo't katatapos lamang ng isang isyu patungkol sa pagkakaroon ng "girl best friend."

"I mean she was already at peace and chilling then suddenly got a message from him lolz its a Him problem."

"If I were in her shoes, and I saw my ex’s name pop up a message, I wouldn’t read it to protect my peace because I have already moved on. Sometimes, people from your past like to message you just to disrupt your peace because they can’t accept that you’ve fully move on from them."

"On a positive note, you should be thankful because God said 'no' that you are not married to that person yet, no children involve. God’s “NO” means protection for us. On the other hand, UNFORGIVENESS block BLESSINGS.. trust God & His divine law, you REAP what you SOW. God bless."

"You should never care if he cant find peace n healing.we should love ourself more than a cheater. Who cares if he cant find peace,he can ask forgiveness fr..our dear God but not fr.you whom he decieved."

"Forgiveness is your decision and should not be demanded. Actually, you can move on without forgiving people who were never really sorry. Forgive yourself for being with a man who steal your happiness by cheating on you and thank God you are not the woman he is going to marry, for the worst is marrying a liar. They only ask forgiveness for they are always haunted that what they did might come around. You’re free already."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay humamig na ng 16k reactions, 2.6k shares, at 1.5k comments ang nabanggit na post.

                                                           ---

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.