Ibinahagi ng celebrity couple na sina Direk Paul Soriano at Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang most significant change sa relasyon nilang dalawa.
Sa latest episode kasi ng vlog ng kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga nitong Linggo, Pebrero 16, sumalang din sina Paul at Toni “Answering Hot Questions Infront of Your Partner.”
“Mikee and Tin are the same. Very quiet before. Ngayon very outspoken. Communicating more now. And of course, sweeter. Minsan siya talaga nagyaya ng sex all the time,” lahad ni Paul.
Pero tila hindi nagustuhan ni Toni ang huling binanggit ng mister niya tungkol sa kaniya.
“Ito naman nakakaano, e,” sabi ni Toni. “Di naman nakakatawa ‘yong gano’n sinasama pa.”
Gayunman, ibinahagi pa rin ng aktres ang most significant change ni Paul sa kanilang relasyon.
Ayon kay Toni, “Ako, ang significat change kay Paul, ayaw kong i-involve sa anything na ginagawa ni Paul. Ngayon, talagang everything ito na, ito na talaga lahat ginagawa ko.”
“E, kasi dati nga wala akong pakialam sa gano’n. [....] Ngayon, nangingialam na ako. Lahat pinapakailaman ko na. ‘Ano ‘yan? Sino ‘yan? Anong mayro’n diyan?’” dugtong pa niya.
“To the point na ‘yong mga brief ko binibili na niya,” segunda ni Paul.
Hindi naman nakakapagtaka ang ganitong pagbabago sa relasyon nina Paul at Toni. Matatandaang mag-iisang dekada na silang nagsasama bilang mag-asawa at may dalawa pang anak.