Nais umanong paimbestigahan ng ilang mambabatas sa National Bureau of Investigation (NBI) ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa umano’y pagpatay sa 15 senador.
“It is only appropriate to subject the former president’s statements to the same level of scrutiny,” ani Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.
Tahasan namang iginiit ni Zambales Rep. Jay Khonghun na tila magkapareho lang daw sina FPRRD at Vice President Sara Duterte hinggil sa mga pahayag na puno ng pananakot.
“Pareho silang mag-ama. Dapat siguro, kasuhan din ang dating Pangulong Duterte sa ginagawa niyang pananakot, gaya ng pag-file ng complaint ng National Bureau of Investigation kay VP Sara Duterte,” saad ni Khonghun.
Samantala, para kay Taguig City Rep. Pammy Zamora, hindi na raw dapat tanggaping biro ang umano’y naging karahasan sa administrayson ni FPRRD.
“The violence we saw during the Duterte administration is not something to joke about. It has real consequences, and our country continues to deal with the aftermath,” ani Zamora.
Matatandaang nagbigay ng pahaging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kasalukuyang mga senador para raw magkaroon ng puwesto sa Senado ang walo niyang senatorial candidates sa ilalim ng partidong PDP-Laban.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, may pinatutsadahan? 'Ang iniisip nila, kaisa-isang solusyon ay pumatay pa ng Pilipino?'