April 23, 2025

Home BALITA National

Maza sa sinabi ni Dela Rosa na may misyon ang Diyos sa kaniya: ‘Wag mong idamay si Lord!’

Maza sa sinabi ni Dela Rosa na may misyon ang Diyos sa kaniya: ‘Wag mong idamay si Lord!’
Makabayan President Liza Maza at Senador Bato dela Rosa (Facebook)

“Hindi misyon ang muli mong pagtakbo—konsomisyon ‘yan…”

Bumuwelta si Makabayan President  Liza Maza sa pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na may misyon umano ang Diyos para sa kaniya sa muli niyang pagtakbo bilang senador at ipagpatuloy ang “laban sa droga, kriminalidad, at korapsyon.”

Matatandaang sa proclamation rally ng PDP-Laban noong Huwebes, Pebrero 13, sinabi ni Dela Rosa na sigurado raw siyang gusto ng Diyos na ipagpatuloy niya ang kaniyang laban.

“I realized, na siguro nga, mayroon pang misyon si Lord para sa akin dito sa mundo.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

At ang misyon na 'yan, l am sure, gusto niyang ipagpatuloy ko 'yung aking laban, ating laban. Hindi ko ito personal na laban, laban nating lahat ito. Laban sa droga, laban sa kriminalidad, at laban sa korapsyon,” ani Dela Rosa.

Sa isa namang pahayag nitong Sabado, Pebrero 15, iginiit ni Maza na huwag daw idamay ni Dela Rosa ang Diyos sa pagiging “trapo” nito.

“Sure kang galing kay Lord ang misyon mo? ‘Wag mong idamay si Lord sa pagiging trapo mo. Sabi sa kanyang ika-limang utos: ‘Huwag kang papatay’,” giit ni Maza, na tumatakbo rin bilang senador sa 2025 midterm elections.

“Sigurado akong hindi sang-ayon si Lord sa pag-tokhang mo sa mahihirap, sa pagpanig mo sa mga korap, traydor, at sinungaling sa taumbayan. Hindi misyon ang muli mong pagtakbo—konsomisyon ‘yan.”

“Ang tunay mong misyon ay managot sa mga kaso mo sa ICC (International Criminal Court),” saad pa niya.

Matatandaang si Dela Rosa ang naging hepe ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng madugong giyera kontra droga sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kamakailan ay inihayag ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyong Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.

MAKI-BALITA: 20,332 indibidwal, napatay sa ‘drug war’ ng Duterte admin – Diokno