February 22, 2025

Home BALITA Probinsya

Kampanya ng Mandaluyong kontra Dengue, dinaan sa pabuya: 'May Piso sa Mosquito!'

Kampanya ng Mandaluyong kontra Dengue, dinaan sa pabuya: 'May Piso sa Mosquito!'
Photo courtesy: GMA News

Idinaan sa pabuya ng Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City ang kanilang kakaibang kampanya laban sa dengue.

Ayon sa ulat ng Super Radyo DZBB nitong Linggo, Pebrero 16, 2025, tinawag ng naturang barangay ang kanilang kampanya na “May Piso sa Mosquito.” Sa ilalim ng kampanyang ito, nahihikayat umano ng Brgy. Additional Hills ang kanilang mga residente na manghuli o pumatay ng mga lamok at dalhin sa kanilang barangay hall. May katumbas na piso ang bawat lamok na mahuhuli o mapapatay ng bawat residente. 

“Naisipan ng konseho, ng ating kapitan na gumawa ng ganito, na huhuli ng lamok, buhay man o patay may kapalit na manggagaling sa barangay,” ani Danilo Salvador, Executive Assistant ng Barangay Additional Hills. 

Bukas din umano ang kanilang barangay hall mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para sa mga nagnanais na magdala ng kanilang mga nahuli o napatay na lamok. 

Probinsya

Punerarya sa Pangasinan, nabiktima ng scam; bangkay na kukunin sa ospital, budol pala?