February 23, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Hello, Love, Again' nina Alden, Kathryn namayagpag sa Netflix!

'Hello, Love, Again' nina Alden, Kathryn namayagpag sa Netflix!
Photo Courtesy: Star Cinema (IG)

Ibinahagi ng Star Cinema ang pamamayagpag sa Netflix ng “Hello, Love, Again” nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa isang Instagram post ng Star Cinema noong Biyernes, Pebrero 14, makikitang una ang “Hello, Love, Again” sa Top 10 na pelikulang Pinoy na mapapanood sa naturang online streaming platform.

“We said goodbye before but this time, let’s find love again with Joy and Ethan on NETFLIX!,” saad ng Star Cinema sa caption.

Dagdag pa nila, “#HelloLoveAgain is now the TOP 1 film on Netflix! Thank you, loves!”

Pelikula

Pelikula ni Maris Racal, wagi sa 75th Berlin International Film Festival

Matatandaang idineklara noong Nobyembre 2024 ang “Hello, Love, Again” bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na naitala sa kasaysayan na kumita ng bilyon sa takilya.

Natalbugan nito ang "Rewind" nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera noong 2023 na kumita ng ₱930 milyon worldwide.

MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B