February 15, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Risa, 'nag-react' sa mga naging patutsada ni FPRRD: 'Ewan ko na lang sa kaniya!'

Sen. Risa, 'nag-react' sa mga naging patutsada ni FPRRD: 'Ewan ko na lang sa kaniya!'
Photo courtesy: Sen. Risa Hontiveros/Facebook and Manila Bulletin file photo

Naglabas ng reaksiyon si Sen. Risa Hontiveros hinggil sa mga naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang campaign rally kamakailan. 

Sa ambush interview ng media kina Hontiveros kasama si senatorial aspirant Atty. Kiko Pangilinan, tila hindi raw naintindihan ng senadora ang mga naging patutsada ng dating pangulo. 

"Unang reaksiyon, ano!? Ano daw!? Ano pang magiging reaksiyon ng mga tao na hirap na hirap na nga sa buhay, sa mga isyu na tinatalakay nina Sen. Kiko at Sen. Bam, tapos ang sagot ng isa diyan ay... dagdag na karahasan. Talagang ewan ko lang sa kaniya," ani Hontiveros. 

Matatandaang tahasang iginiit ni FPRRD na “pumatay” na lamang umano ng 15 mga senador upang maipasok ang senatorial slate na kaniyang bitbit sa ilalim ng PDP-Laban. 

Eleksyon

Erwin Tulfo, di sineryoso patutsada ni FPRRD sa umano'y pagpatay sa 15 senador: 'I'm sure it was a joke'

“Eh ‘di patayin natin yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 senador, pasok na tayong lahat,” ani FPRRD. 

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’

Iginiit din ni Hontiveros na wala umanong dapat ibang targetin sa eleksyon kundi ang patuloy raw na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 

"...Yung presyo ng mga bilihin. Walang ibang pinaka dapat targetin sa eleksyong ito. Kaya ganiyang ka-importante na ibalik si Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Bam Aquino sa Senado. Para doon pa lang sa totoong isyu na iyan na totoong unity sa ating mga kababayan. Pagbaba ng presyo ng mga pagkain, pagtaas ng suporta sa agrikultura, mabigyang daan ang trabaho at mga polisiya na tulad nina Sen. Kiko Pangilinan,” anang senadora.