February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ramon Bautista, handang tumestigo pabor kay Alex Calleja sa isyu ng 'carwash joke'

Ramon Bautista, handang tumestigo pabor kay Alex Calleja sa isyu ng 'carwash joke'

Nagpahayag ng kaniyang pagnanais na tumestigo pabor sa komedyanteng si Alex Calleja ang kapwa komedyante at social media personality na si Ramon Bautista, patungkol sa pinag-usapang "carwash joke."

Sa comment section ng social media post ni Alex katagpo ang pinsan at abogadong si Atty. Howard Calleja, sinabi ni Ramon na handa umano sila ng isa pang komedyanteng si "Jojo The Love Survivor" na tumestigong matagal nang ginagamit ni Alex ang nabanggit na carwash joke.

Batay kasi sa caption ng post ni Alex, hindi lamang basta karaniwang pagkikita ng magpinsan ang naganap. Mukhang may kinalaman ito sa balak na pagsasampa ng "cyber libel case" ng komedyante.

"I have a friend... and a lawyer cousin!" mababasa sa post ni Alex noong Huwebes, Pebrero 13.

Tsika at Intriga

Kathryn, ipapartner daw kay Donny; si Belle naman kay Robbie Jaworski?

"Meeting with Atty. Howard Calleja , Senior Managing Partner of Calleja Law. He will be handling my cyber libel case."

"Magpapa-carwash na rin kami after. Walking distance lang eh"

Komento naman dito ni Ramon na itinag pa si Jojo, "May joke ako tungkol sa nakaw na joke..kaso baka maging in demand akong komedyante"

"Attorney, tatayo po kami testigo ni @lovesurvivor na matagal na pong banat ni Alex yang carwash joke sa BNO pa lang saka sa Backyard pa lang," giit ni Ramon.

Mababasa naman ang pagtugon dito ni Alex, "@ramonbautista salamat paps."

Photo courtesy: Screenshot from Alex Calleja, Ramon Bautista (IG)

Bagama't hindi naman pinangalanan ni Alex kung sino ang sasampahan niya ng kaso, matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang makahulugang social media post ng comedy writer na si Chito Francisco patungkol sa "carwash joke" na ginamit daw bilang isang materyal sa stand-up comedy special na napanood niya sa Netflix.

Naglapag ng resibo si Chito na matagal na raw niyang ginagamit ang nabanggit na joke.

Bagama't hindi pinangalanan, mabilis naman ang mga netizen na naiugnay ito kay Alex dahil sa stand-up comedy special niyang "Tamang Panahon" na agad na nag-number 1 sa Netflix.

Bilang sagot, agad na naglapag din ng mga resibo o katibayan si Alex na 2011 pa niya ginagamit ang nabanggit na carwash joke, noong mga panahong hindi ma marami ang followers niya.

Dito ay nabanggit din ni Alex ang patungkol sa "cyber libel."

"Post ko lang dito ang carwash joke ko since 2011 na nagawa ko ng writer ako sa Usapang Lalake at Goin' Bulilit. Sa Goin' Bulilit kasi, may topic ang bawat gags at carwash ang topic namin. Hindi ata ito nasama sa final draft kaya ginamit ko sa standup at pinost sa social media ng 2011. Check niyo po ang screenshots. Sorry po wala pa ako masyado followers niyan ," giit ni Alex sa kaniyang Facebook post.

"Lagi ko ito jinojoke kaya naging paborito ng isang writer din na si Raymond Dimayuga. Nagpapasalamat ako sa pag acknowledge niya sa akin ng 2015 at 2016. Search niyo po sa FB, alex calleja at carwash. Gawin niyo din yun PEP PH," aniya pa sa entertainment site.

"Sa mundo po ng comedy writing, kapag may kaparehas o parallel joke ka sa isang comedian, may disenteng paraan po para magsabi ng parehas kayo. Ang tawag po dun ay pribadong usapan tulad ng cellphone at chat. Lahat po ay pwedeng pag-usapan ng pribado at hindi dinadaan sa social media. Hindi ko po alam ang intensyon para sabihan ako na 'nagnakaw ng jokes' pero ang nasa isip ko na lang ay ang kasabihang 'ang punong hitik sa bunga ay binabato' O, hindi po ako ang original niyan."

Sa huli, tila may paalala naman si Alex.

"Anyway, ingat po tayo sa salitang nakaw, may cyber libel po tayo at hindi yun joke. Remember, I have a friend..."

MAKI-BALITA: Alex Calleja nakipagkita sa lawyer cousin; cyber libel case, ikinakasa na?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito si Chito Francisco. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.