February 19, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Legal counsel ni Alex Calleja, sumagot sa public apology ni Chito Francisco

Legal counsel ni Alex Calleja, sumagot sa public apology ni Chito Francisco
Photo courtesy: Alex Calleja (IG)/Chito Francisco (FB)

Inacknowledge ng legal counsel ng stand-up comedian na si Alex Calleja ang public apology ng comedy writer na si Chito Francisco, kaugnay ng isyung "car wash joke."

Sabado, Pebrero 15, nang maglabas ng opisyal na pahayag si Chito upang humingi ng tawad kay Alex.

MAKI-BALITA: Chito Francisco, nag-sorry kay Alex Calleja

Sa inilabas namang opisyal na pahayag ng abogado ni Alex na si Atty. Howard Calleja ng Calleja Law Office, sa pamamagitan ng kanilang Facebook page, nakasaad na inacknowledge nila ang paghingi ng paumanhin ni Chito sa kaniyang kliyente.

Tsika at Intriga

Sam sa 'friendship over' nila ni Moira: 'It's an issue that's really sensitive!'

Nag-cite pa ang abogado ng isang seksyon mula sa Cybercrime Act tungkol sa "unlawful or prohibited acts of libel as defined under Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future."

'In light of the foregoing, our client, through Calleja Law Office, reminds the public that making, airing, and publishing defamatory statements about our client constitutes cyberlibel, and is punishable under the Cybercrime Act," anila pa.

Babala pa nila sa publiko, "Let this be a stern WARNING that Alex Calleja, through Calleja Law Office, will not hesitate to ensure that any future acts tantamount to cyberlibel made in reference to our client will be dealt with accordingly, which include criminal prosecution to the fullest extent of the law."

Samantala, ibinahagi naman ni Alex sa kaniyang Facebook post ang opisyal na pahayag ni Chito at kinomentuhan.

"Apology accepted. Now let's move on! Salamat Atty. Howie Calleja and Atty. Lorna Kapunan Tamang Panahon is still Number 1 on Netflix!" aniya.

MAKI-BALITA: Alex Calleja, sumagot na sa public apology ni Chito Francisco