January 04, 2026

Home BALITA National

FL Liza, flinex Valentine date nila ni PBBM: 'Grateful for us'

FL Liza, flinex Valentine date nila ni PBBM: 'Grateful for us'
(Courtesy: FL Liza Marcos/FB)

Flinex ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang naging date nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso nitong Biyernes, Pebrero 14.

Sa isang Facebook post, makikita ang masayang larawan ng First Couple at maging ang pagbigay nila sa isa’t isa ng regalo tulad ng bulaklak at love letter.

“Dinner with my Valentine,” anang unang ginang sa naturang post. 

“Grateful for us ,” dagdag niya.

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Base sa website ng pangulo, taong 1988 nang magkakilala sina PBBM at FL Liza sa New York City noong nag-aaral at nagtatrabaho ang unang ginang bilang isang abogado.

Ikinasal sila noong Abril 17, 1993 sa San Francesco Convent sa Fiesole, Italy.

Mayroon silang tatlong anak: sina Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, Joseph Simon, at William Vincent.