February 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Erwin Tulfo, di sineryoso patutsada ni FPRRD sa umano'y pagpatay sa 15 senador: 'I'm sure it was a joke'

Erwin Tulfo, di sineryoso patutsada ni FPRRD sa umano'y pagpatay sa 15 senador: 'I'm sure it was a joke'
Photo courtesy: Erwin Tulfo/Facebook and Manila Bulletin file photo

Iginiit ni senatorial aspirant at ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo na tila nagbibiro lang daw si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag nito tungkol sa pagpatay umano sa 15 senador upang maipasok ang senatorial lineup ng PDP-Laban. 

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’

Sa isang ambush interview nitong Sabado, Pebrero 15, 2025, sinabi ni Tulfo na pawang nagbibiro lang daw si FPRRD katulad ng mga naging tirada nito noong nakaupo pa siya bilang pangulo ng bansa. 

"Alam nating palabiro ang Pangulong Duterte. Eh kung hindi pa tayo sanay, eh wala. He's been the president for the past six years, and we heard a lot. Kung minsan galit na galit siya, yun pala nagbibiro lang. We have to choose, and I'm sure it was a joke, so anong gagawin natin? Alangan namang magalit tayo, 'di ba?” ani Tulfo. 

Eleksyon

Vilma Santos at dalawang anak, dumipensa sa umano'y 'political dynasty' nila sa Batangas

Giit pa ni Tulfo, hindi raw dapat seryosohin ang naturang pahayag ni FPRRD. 

“And minsan nakakapagsabi yung mga tao na 'papatayin, patayin kita diyan eh!'  Don't take it seriously, it was just a joke and he won't do that,” saad ni Tulfo. 

BASAHIN: Sen. Risa, 'nag-react' sa mga naging patutsada ni FPRRD: 'Ewan ko na lang sa kaniya!'