Wala pang isang oras matapos tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa Masbate, isa namang magnitude 5.5 na lindol ang yumanig sa Eastern Samar dakong 9:18 ng umaga nitong Sabado, Pebrero 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, namataan ang epicenter ng lindol na tectonic ang pinagmulan 39 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar.
May lalim itong 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:Intensity III - Carigara, Leyte, Dulag, at Abuyog, LEYTE; Villareal at Gandara, SAMAR
Intensity II - Isabel, Burauen, Kananga, Javier, at Palo, LEYTE; San Roque, Mapanas, NORTHERN SAMAR; Basey at Marabut, SAMAR
Intensity I - Naval, BILIRAN; Bulusan, SORSOGON; Sogod, SOUTHERN LEYTE
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Nito lamang ding Sabado, dakong 8:28 ng umaga nang yumanig naman ang magnitude 5.1 na lindol sa timog-kanluran ng Claveria, Masbate.
MAKI-BALITA: 5.1-magnitude na lindol, yumanig sa Masbate; aftershocks, asahan!