Inako na ng comedy writer na si Chito Francisco ang pagkakamaling nagawa niya kay stand-up comedian Alex Calleja.
Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang Facebook post ni Chito na tungkol sa isang Pinoy na stand-up comedian na ginamit umano ang joke niya.
“Nanood ako ng Netflix special ng isang pinoy stand up comedian. Ginamit yung isang joke ko. Well, marami pa ako niyan brod. Madami ka pa puwede nakawin,” aniya sa post.
Naglapag pa ng resibo si Chito bilang patunay na nauna niyang naisip ang joke. Ngunit pinalagan ito ni Alex at naglapag din ng katibayan na siya ang mas nakaunang makaisip niyon batay sa kaniyang social media post.
MAKI-BALITA: Alex Calleja naglapag ng mga resibo, pumalag sa akusasyong 'nagnakaw ng jokes'
Kaya sa pahayag na inilabas ni Chito nitong Sabado, Pebrero 15, sinabi niyang lubha raw niyang pinagsisisihan ang nagawa niya na nakapagdulot kay Alex ng pinsala.
“I know Alex as a gentle soul, and by making those statements, it was wrong of me to put him in a bad light with false and baseless allegations. Worse, these comments went viral on social media, which led the public to insult him and question his integrity as a writer,” saad ni Chito.
Dagdag pa niya, “I was careless and negligent in saying that, and did not realize the extent of the hurt and damage that I caused against Alex, nor the impact that it had on both his personal and professional life.”
Kaya naman, nanawagan siya sa mga blogger at netizen na burahin ang mga komento nila sa false statement niya patungkol kay Alex maging ang post niya na ibinahagi sa social media.
Aniya, “What I said was wrong, and I would like to minimize the extent of the damage already suffered by Alex caused by my negligence to the best that I can.”
Sa huli, umaasa si Chito na matutuldukan na ang nasabing isyu sa pamamagitan ng paglalabas niya ng pahayag na ito sa publiko.