February 15, 2025

Home FEATURES Trending

Lalaki sa Chile, nilamon at niluwa ng humpback whale

Lalaki sa Chile, nilamon at niluwa ng humpback whale
screenshot: Associated Press/website

REAL-LIFE JONAH?

Nilamon pero agad namang iniluwa ng isang humpback whale ang isang lalaki sa Chile, ayon sa ulat nitong Biyernes, Pebrero 14.

Sa ulat ng Associated Press (AP), nakunan ng video ang naturang paglamon ng humpback whale sa isang lalaking kinilala na si Adrián Simancas.

Dagdag pa ng ulat, nagkakayak si Adrián kasama ang kaniyang ama sa Bahía El Águila malapit sa San Isidro Lighthouse sa Strait of Magellan sa Chile nang lumitaw ang isang humpback whale.

Trending

'Aanhin mo yan ante?' Netizen, imbyerna sa friend na inuunahan siyang bilhin mga sinabi niyang gusto niya

NIlamon nito si Adrián at ang dilaw na kayak niya, at makalipas lamang ng ilang segundo, iniluwa rin niya ang lalaki.

Sa panayam ni AP kay Adrián, ikinuwento nito ang karanasan niya.

“I thought I was dead,” saad ni Adrián. “I thought it had eaten me, that it had swallowed me.”

Inilarawan niyang "terror" ang nangyari sa ilang mga segundo. Aniya, ang tunay na kinatakutan niya nang iluwa siya ng humpback whale ay baka saktan nito ang kaniyang ama o 'di kaya'y mamatay siya sa tubig. 

Dagdag pa niua, “When I came up and started floating, I was scared that something might happen to my father too, that we wouldn’t reach the shore in time, or that I would get hypothermia."

Samantala, hindi naman nasaktan si Adrián at ang kaniyang ama sa nangyari.