February 22, 2025

Home BALITA Probinsya

Bangkay ng babae, natagpuan sa loob ng maletang palutang-lutang sa ilog

Bangkay ng babae, natagpuan sa loob ng maletang palutang-lutang sa ilog
Photo courtesy: contributed photos/Facebook

Isang bangkay ng babae ang natagpuang nakasilid sa isang maleta habang palutang-lutang sa kahabaan ng Sapang Alat River sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Huwebes, Pebrero 13, 2025.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kinilala ang biktima na residente ng Caloocan at naunang maiulat na nawawala mula pa umano noong Pebrero 10. 

“According sa family, nagreport sila sa pulis ng February 10, pero since February 7 pa bandang gabi hindi na daw umuwi 'yung victim. Then kinabukasan ay pumunta sila sa mga last known location ng victim, then nung wala talaga, February 10 nasa police station na sila para magreport na missing siya,” ani Police Staff Sergeant Patrick Llanza sa media. 

Dagdag naman ni Police Chief Master Sergeant Adrian Nolasco, halos bloated na rin umano ang bangkay ng biktima nang matagpuan nila ito matapos silang makatanggap ng tawag mula sa ilang residente sa nasabing lugar. 

Probinsya

Punerarya sa Pangasinan, nabiktima ng scam; bangkay na kukunin sa ospital, budol pala?

“Nakalutang po siya sa ilog na nakakasakop ng boundary ng Caloocan at San Jose Del Monte. Noong inopen 'yung luggage, nakafetal position po siya. Intact naman po ang damit niya, 'yun nga lang po bloated na siya sa pagkakababad sa tubig,” ani Nolasco. 

Hindi na rin aniya makilala ng mga kaanak ng biktima ang bangkay nito na nagtamo rin ng butas sa leeg.

“Sana makonsensya siya. Sobrang grabe nakita ko yung itsura ng kapatid ko may butas yung leeg. Hindi ko na siya halos makilala. Sana makonsensya siya at sana lumitaw lahat ng katotohanan," saad ng ate ng biktima. 

Samantala, nilinaw din ng pulisya na mayroon na raw silang dalawang persons of interest na patuloy nilang tinutugis. 

“So far may sinusundan na po kaming mga persons of interest, and we are still gathering the facts para sa ikatitibay ng kaso. We will find justice,” saad ni Nolasco.