February 22, 2025

Home BALITA National

Balitang na-hack ang database ng PCSO, fake news! — GM Robles

Balitang na-hack ang database ng PCSO, fake news! — GM Robles
Photo courtesy: MB File Photo

Pinag-iingat ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles ang publiko sa isa na namang kumakalat na ‘fake news' sa social media, na nagsasabing ang na-hack ang database ng ahensiya ng isang grupo ng mga hackers.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Pebrero 14, mariing pinabulaanan ni GM Robles ang isang online news na iniimbestigahan ng PCSO at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang umano’y pag-breach sa data ng mga lotto winners.

Tinawag din ni GM Robles ang ulat na ‘fake news’ lamang at tiniyak na walang anumang naganap na breach sa kanilang official sites o data base ng PCSO.

“This is fake news. There was no breach nor any successful attempt to hack the systems of PCSO. We have not reported anything to DICT because nothing had happened,” ani GM Robles.

National

Chel Diokno, nakiisa sa paggunita ng EDSA anniv: 'Buhay ang EDSA!'

Payo pa niya sa publiko, “Relax, today is Valentine’s Day and don’t let it be ruined by some groups who were out to besmirch or cast doubt on the integrity of our games. It’s too early for April Fool’s Day and let us not easily fall for it.”

Binigyang-diin ni GM Robles na bagamat maraming pagtatangka noon na i-hack ang kanilang sistema ay walang sinuman sa mga ito ang nagtagumpay.

“While there were numerous attempts (in the past) to hack our system coming from all over the world, our digital defenses are holding out and remain impregnable,” aniya pa.

Ani GM Robles, ang naturang news report ay mula sa umano’y grupo ng mga hackers na halata naman aniya na nais lamang gumawa ng pangalan para sa sarili nito, sa pamamagitan nang pag-claim na nagawa nilang i- breach ang PCSO system.

Mabilis namang nilinaw ni GM Robles na walang anumang accounts nila ang inatake o nakumpromiso.

Idinagdag pa niya na ang nakasaad lamang sa post ay nagsasabi na nagawa ng grupo na makuha ang email accounts ng PCSO employees, o email accounts ng branch office personnel mula sa Cagayan Branch, base na rin sa screenshots na naka-attach sa paskil.

Gayunman, sinabi ni GM Robles na ito ay ang listahan ng mga indibidwal na nag-avail ng promo ng PCSO branch noong Marso 2022 at hindi pangalan ng mga winners, jackpot man o consolation prizes lamang.

Ang larawan aniya ng babae na may hawak na tickets ay patunay na ang promo tickets ay na-a-avail ng mga tunay na tao, kaya’t ang impormasyong inilathala ng mga hackers ay pagma-may-ari ng recipients ng promo ng sangay ng PCSO sa Cagayan noong Marso, 2022 at hindi ng lotto winners.

“Our database for the lotto jackpot winners is safe in the head office. The branch offices are not connected to the head office,” pagtitiyak pa ni GM Robles.

Una na ring ipinagsawalang-bahala ni GM Robles ang naturang mga ulat, at sinabing ang sistema at sites ng government-owned and controlled corporation (GOCC) ay secured.

“I have just checked, at the moment, none of our websites is compromised, breached, or hacked,” aniya pa.