February 13, 2025

Home BALITA National

SP Chiz, nais umanong ipa-review ang party-list law

SP Chiz, nais umanong ipa-review ang party-list law
Photo courtesy: Senate of the Philippines/Facebook

Nais umanong ipa-review ni Senate President Chiz Escudero ang batas hinggil sa mga Party-list sa Kongreso.

"I believe that there is a need to revisit it given that the intent of the framers seems to have been subverted, not only in the Party-List law but also based on the numerous decisions of the Court," ani Escudero. 

Nilinaw din ni Escudero ang pangangailangan na ma-review ang naturang batas upang magkaroon ng kalinawan sa mismong sektor na nais daw ikatawan ng isang Party-List sa Kongreso. 

"Any such review should begin by identifying 'What are sectors that comprise Philippine Society today that need representation in Congress?' This list should be exhaustive and to the exclusion of other sectors that will not be included. After this, we can decide on the process on how we will elect who will represent each sector," anang Senate President.

National

PCO chief Cesar Chavez, naka-leave sa susunod na linggo

Matatandaang noong Miyerkules, Pebrero 12, nang ilabas ng election watchdog na Kontra Daya ang datos na nagsasaad ng tinatayang 55.13% o 85 umano mula sa kabuuang 156 na party-list group ngayong 2025 Midterm Elections ay hindi direktang kumakatawan sa marginalized sector ng bansa.