April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ex-Pres. Duterte naalala si Philip Salvador bilang artista: 'Tinitingnan ko siya kung paano niya yakapin 'yong mga babae'

Ex-Pres. Duterte naalala si Philip Salvador bilang artista: 'Tinitingnan ko siya kung paano niya yakapin 'yong mga babae'
screenshot: PDP-LABAN/FB

Ang naaalala raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay senatorial aspirant Philip Salvador ay isang mahusay na artista. 

Sinabi ito ni Duterte sa proclamation rally ng kaniyang partidong PDP-Laban nitong Huwebes, Pebrero 13, sa San Juan City, kung saan inisa-isa niya ang walong senatorial candidates nito.

"Kapag nakikita ko si Philip Salvador, ang naaalala ko sa kaniya artista siya--mahusay na artista. Kaya idol ko siya yung mga sine niya pinapanood ko. Tinitingnan ko siya kung paano niya yakapin 'yong mga babae," saad ng dating pangulo.

Dagdag pa niya, "Well, aside from the fact, I know that he will make a good senator. Ayun ang naaalala ko sa kaniya parang durog talaga ang babae sa yakap at pagmamahal niya."

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

Bukod kay Salvador, inendorso rin ni Duterte sina reelectionist Senador Bato Dela Rosa at Bong Go, mga abogadong sina Raul Lambino, Jesus Hinlo, at Jimmy Bondoc, SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’