February 14, 2025

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’
MULA SA KALIWA. Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos (Photo: Keith Bacongco/MB; Pres. Marcos/FB screengrab)

“Maybe constant use of heroin, aabot pa siguro siya ng 80 pero pagdating sa panahon na ‘yan, hindi na siya gumagalaw…”

Muling tinawag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “bangag” at gumagamit umano ng ilegal na droga.

Sinabi ito ni Duterte sa proclamation rally ng kaniyang partidong PDP-Laban nitong Huwebes, Pebrero 13, sa San Juan City.

“Alam mo kung ako ang durugista at bakit sa utak ko, bakit hindi? Tutal kasama ko naman si Presidente sa hithitan… Meron isang presidente na talagang bangag,” giit ni Duterte.

National

PCO chief Cesar Chavez, naka-leave sa susunod na linggo

“Hindi naman buang, pero yung bisyo ng droga, long-term ‘yan. Maging ulol si Marcos maybe constant use of heroin, aabot pa siguro siya ng 80 pero pagdating sa panahon na yan, hindi na siya gumagalaw. Either nakatindig lang ‘yan sa kwarto niya o natutulog,” saad pa niya.

Sa naturang rally ay sinabi rin ng dating pangulo na kung nakikita umano ng mga Pilipinong bumuti ang kalagayan ng bansa sa ilalim ng termino ni Marcos, maaari umano nilang iboto ang senatorial slate nito na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

"I think the Marcos government has fallen short of the expectations," giit ni Duterte.

Kasalukuyang ineendorso ni Duterte ang walong kandidato ng PDP-Laban na sina: reelectionist Senador Bato Dela Rosa at Bong Go, dating aktor Philip Salvador, mga abogadong sina Raul Lambino, Jesus Hinlo, at Jimmy Bondoc, SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.