February 13, 2025

Home FEATURES Trending

'Aanhin mo yan ante?' Netizen, imbyerna sa friend na inuunahan siyang bilhin mga sinabi niyang gusto niya

'Aanhin mo yan ante?' Netizen, imbyerna sa friend na inuunahan siyang bilhin mga sinabi niyang gusto niya
Canva file photo, Reddit

"i have this friend na girl na kapag sinabi mo gusto mo bilihin, uunahan ka niya. Gets ba?"

Tila imbyerna ang isang netizen tungkol sa friend niyang sinasabihan niya ng mga bagay na gusto niyang bilhin, pero ang ending inuunahan daw siya nitong bumili para sa sarili nito.

"Everytime kasama ko siya sa mall, sasabihin ko bibilihin ko next time yung clothes, sapatos, food or anything kasi pag-iisipan ko pa. tapos the next time na magkita kami, gamit gamit niya na yung sinasabi ko or ipopost niya na na kumakain siya non," saad ng netizen sa isang online community na Reddit.

Rant pa niya, "pati sa fave kong pinapanuod, sabi ko favorite ko studio ghibli aba bumili siya ng merch niya na sinabi ko pag-iipunan ko. hindi naman siya mahilig sa studio ghibli. hahaha hype na yan. sumama pa siya sa amin sa concert na hindi niya naman alam yung band jusko."

Trending

Isang ama, first time magkaroon ng touchscreen na cellphone na bili ng anak niya; netizens, naantig

"Pwede naman niya gawin yon, pera niya naman but lagi niya pinagmamalaki sa circle of friends namin na nauna niyang nabili yon kahit gusto ko. "nauna ko nang binili kesa kay ****" aanhin mo yan ante?"

"Kaya minsan hindi ko nalang sinasabi sakanya eh pero kapag nakita niya yung gamit ko, magtatanong yan saan ko nabili at magpapasend yan ng link and oorder yan haha. Nalaman ko pala na pinilit niya mom niya na sumama sa concert kahit tight budget rin sila noon nakooo," aniya pa.

Mabait naman daw 'yong friend niya dahil close raw ito sa family at ibang friends niya.

"Mabait naman itong si friend. close siya sa family ko and sa ibang friends ko. minsan bida sa family gatherings namin. happy naman ako kasi di niya raw yon nagagawa sa fam nila kaya medyo naaawa ako. minsan mapagbigay kaso madalas talaga uunahan ako makabili."

Samantala, tila relate ang iba pang netizens dahil sila ay nagbahagi na rin ng kuwento nila sa mga gano'ng kaibigan habang ang iba naman ay nagsu-suggest pa sa mga pwedeng gawin ng poster.

"I had a blockmate like this is college.sobrang insecure, always wanted to prove she was better. Lahat ng gusto ko, uunahan nya ko. One time I saw a pair of ugly shoes sa isang store, sabi ko sa kanya pag-iipunan ko yan, mabibili ko din yan. And she bought it right away! Brought me endless laughter everytime i saw her wear those ugly shoes"

"May kapitbahay ako na kapag nakikita nya sa bahay namin na bago (dahil may phase ako na nagreremodel ng bagay sa bahay) gagayahin nya. Yung carpet tiles ko sa main bedroom, ginaya nya. Nainis ako kaya one time sinabi ko na gusto ko ng black na tiles sa restroom namin, ayon, nauna sya magpalit ng black tiles. Ang liit at madilim tuloy tignan ng banyo nila sa sala . Bumili ako ng light pink and white tiles, gulat sya pagsilip nya sa bahay ko."

"Dapat sabihin ni OP bibili sya St. Peter Life Plan."

"Jusko, 'wag na 'wag mong ipagsasabi 'yong crush mo, na gusto mo si ano; and ending, jowa na niya. Hahahaha"

"either may underlying insecurity siya or may gusto lang talaga siyang patunayan sa buhay. if naiinis ka, let go of her pero if i were you, make fun out of it. magsabi ka ng kung ano ano HAHAHAHAHAH “magiipon ako para sa ninja creami ice cream maker” GAANNNOONN"

"What if sabihin mong bibili ka ng condom? Hala, baka mauna pa siyang bumili sa’yo. Kidding aside, masyado siyang inggitera HAHAHA"

"Mag petty revenge ka. I hype mo un mga panget na item na never mo bibilhin. Tapos pag binili nya sabihin mo, ay napapangitan na ako now."

"Friend mo ba talaga yan mhie? I suggest ay magsabi ka ng mga kunwari na gusto na either sobrang mahal or pangit naman. Basta sabi ka lang ng sabi ng mga kunwari gusto kahit hindi."

"May ganyan talagang tao, OP. Di lang natin alam bakit ikaw ang napili nyang 'ganyanin'. If I were you, slowly cut her off. Hindi pwede yung ganyan na nangongopya sya ng identity (hindi naman totally identity pero, another term) tapos iyayabang nya na 'sya' yun. Baka sa susunod yung crush mo, jowa nya na."

---

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula umano sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.