February 12, 2025

Home BALITA

PBBM pabor sa Alyansa slate: 'I-shade n'yo na po lahat, gawin nating 12-0 resulta sa Senado!'

PBBM pabor sa Alyansa slate: 'I-shade n'yo na po lahat, gawin nating 12-0 resulta sa Senado!'
Photo courtesy: Screenshots from RTVM (YT)

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang mga dumalo sa ginanap na proclamation rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Martes, Pebrero 11 sa Ilocos Norte, na huwag nang tingnan ang iba pang mga pangalan ng mga kandidato sa pagkasenador at i-shade na agad ang mga pangalan ng mga "manok" sa ilalim ng kaniyang ineendorsong senatorial slate.

"Sa darating na Mayo, huwag n'yo na pong tingnan ang mga ibang mga pangalan, i-shade n'yo na po lahat po itong nandito na nasa harap ninyo, at gawin nating 12-0 ang ating resulta sa Senado, nang sa gano'n, matitiyak natin ang kinabukasan ng ating minamahal na Pilipinas," giit ng pangulo.

Noong Setyembre 26, 2024, opisyal at pormal na inanunsyo ni PBBM ang line-up ng senatorial candidates na ineendorso ng administrasyon para sa midterm elections 2025, sa naganap "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024" sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Nagbabalik-eksena ang mga dating senador na sina dating Senate President at 2022 vice presidential candidate Tito Sotto III, at 2022 presidential candidates na sina Ping Lacson at Manny Pacquiao.

Politics

SP Escudero, pinaghuhunos-dili mga senador na pag-usapan impeachment vs VP Sara

Umaasam naman ng re-election sina Sen. Lito Lapid, Sen. Bong Revilla, Sen. Pia Cayetano, Sen. Francis Tolentino, at kapatid na si Sen. Imee Marcos. Hindi nakadalo si Sen. Imee sa nabanggit na pagpapakilala, subalit sa proclamation rally ay dumalo na siya.

Magtatangka namang makapasok sa senado sina Makati City Mayor Abby Binay, broadcast journalist at dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Erwin Tulfo, House Deputy Speaker, Lone District of Las Piñas City Rep. Camille Villar, at kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'