February 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

'Nurse Nemo' nagpaalala sa mga ekis na lubricant sa 'bakbakan'

'Nurse Nemo' nagpaalala sa mga ekis na lubricant sa 'bakbakan'
Photo courtesy: Nurse Nemo (FB)/Pexels

Usap-usapan ng mga netizen ang babala at paalala ng isang blogger tungkol sa "news and updates regarding nursing" patungkol sa paggamit ng lubricants o "pampadulas" sa pagtatalik.

Aniya, ekis o hindi raw maituturing na lubricant ang saliva o laway, "Vaseline" o petroleum jelly, at baby oil.

Kadalasan kasi, lalo na ang una, ito ang ginagamit na lube sa tuwing nakikipagtalik dahil mas "tipid" nga naman ito, lalo na kung wala namang pambili ng water-based lubricants. 

BASAHIN: 'Pampasuwabe!' Iba't ibang tipikal na 'pampadulas' para ganado, happy ang bebelabs

Human-Interest

Throwback ng misis sa mister niyang nanghiram ng ₱500 sa kaniya sa first date nila, kinakiligan!

Pero ayon sa "Nurse Nemo," hindi raw dapat gawing lubricant ang laway dahil maaari itong magdala ng bacteria o virus lalo na kung mailagay sa pribadong bahagi ng katawan ng katalik.

"Saliva is not a lubricant"

"Vaseline is not a lubricant"

"Your baby oil is not lubricant ," mababasa sa kanilang Facebook post noong Martes, Pebrero 11.️

"Saliva contains bacteria and sometimes viruses that can be transferred to private parts when used as a lubricant."

Pahabol pa nila sa mga nag-aakalang nagbibiro lang siya, "Nurses this is not a joke, qiqil nyo si aqouh."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Walang nabanggit na pinag mantikaan ng tuyo"

"Puwede ba yung galing sa saluyot o okra hahaha."

"Eh ano na lang, water? Hahaha"

"Biglaan lng tas wrong place pa plus lasing pa kyo pareho, un totoo aarte kapa sa laway?? wag kme oi"

"Saliva is not a lubricant, but the tongue can generate such. If you are not getting it. You need to experience it."

Umabot na sa 2.3k reactions, 2.7k shares, at 392 comments ang nabanggit na post, habang isinusulat ang artikulong ito.