February 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mga tumatakbong women's rights advocates, baka puwede raw tulungan si Jellie Aw

Mga tumatakbong women's rights advocates, baka puwede raw tulungan si Jellie Aw
Photo courtesy: Jo Aw, Ogie Diaz (FB)

Nanawagan ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa mga kumakandidatong women's rights advocates na baka puwede raw tulungan ang DJ-social media personality na si Jellie Aw matapos ireklamo ng umano'y pambubugbog sa kaniya ang fiance na si Jam Ignacio.

Ibinahagi kasi ni Jellie sa kaniyang Facebook post, Miyerkules, Pebrero 12, ang kalunos-lunos na nangyari sa kaniya sa kamay ng kaniyang fiance habang nasa loob daw sila ng sasakyan.

MAKI-BALITA: 'Papakulong kita!' Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?

Maging ang kapatid ni Jellie na si Jo Aw, ibinahagi ang ilang mga larawan ng kaniyang kapatid na makikitang tila bugbog-sarado ang mukha.

Tsika at Intriga

Paalala ni Alex Calleja: 'Ingat tayo sa salitang nakaw, may cyber libel tayo at hindi yun joke!'

Mababasa sa post ni Jo Aw, published as is, "BIGLA NA LANG PINAG SASAPAK, BINUGBOG HABANG PAUWI ATE KO, WALANG KALABAN LABAN SA LOOB NG NAKALOCK NA SASAKYAN."

"Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo 'JAM IGNACIO.'"

"Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone, Buti na lang hindi nabasa yung RFID sa toll at nakasigaw yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa TELLER sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo yung mga pulis!

Wala kang awa!! Demonyo, mapapatay mo na ate ko."

"Update po kay ate magpapamedical na kami ngayon and magrereport na sa pulis," aniya pa.

MAKI-BALITA: Kapatid ni Jellie Aw kay Jam Ignacio: 'Wala kang awa! Demonyo!'

Shinare naman ni Ogie Diaz ang FB post ni Jo Aw at kinomentuhan. Ayon kay Ogie, ayaw raw niyang mag-judge subalit kailangan daw sagutin ni Jam ang mga akusasyon laban sa kaniya ng fiancee.

"Grabe! Buti na lang, nawalan ng laman ang RFID, kaya nakahingi ng tulong si Ate sa toll gate teller. Ayoko namang mag-judge, pero Jam Ignacio, harapin mo ito. O, doon sa mga women’s rights advocates nating mga tumatakbo diyan, baka pwede n’yong matulungan si ate. Eto na ang right timing na hinihintay n’yo," aniya.

Samantala, wala pang reaksiyon o opisyal na pahayag ang kampo ni Jam tungkol sa isyung pinakawalan laban sa kaniya ng kaniyang fiancee. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa nangyari kay Jellie Aw: 'Jam Ignacio, harapin mo ito'