April 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Erwin Tulfo, hindi masaya na number 1 siya sa mga survey

Erwin Tulfo, hindi masaya na number 1 siya sa mga survey
photo courtesy: Erwin Tulfo (Mark Balmores/MB)

Hindi raw masaya si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na nangunguna siya sa mga pre-election survey para sa 2025 midterm elections.

Sinabi ni Tulfo na "least of my concern" ang pangunguna niya sa mga survey. 

"I would like to thank those people na nadaanan po ng survey na ‘yan. Marami pong salamat pero that’s the least of my concern. My concern is that all of us 12 will be there," anang senatorial aspirant sa isang press conference ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas slate noong Martes, Pebrero 11 sa Laoag City.

Dagdag pa niya, "Kaya nga po alyansa po ito, sama-sama. Kung kailangan pong hilain yung iba we have to do that. It’s a coalition, it’s a force that we need to be united."

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

Nabanggit din ni Tulfo na hindi raw siya natutuwa na number one siya sa surveys.

"Medyo hindi rin po ako natutuwa na number one po ako pero may mga kasama po ako na lagging behind. I’m not happy. As a matter of fact I pray every night that all the 12 na binanggit ng pangulo ay makasama."

Kamakailan lamang muling nanguna si Tulfo sa senatorial survey ng Pulse Asia.

Base sa tala ng Pulse Asia, nakatanggap si Tulfo ng 62.8% overall voter preference, dahilan kaya’t mag-isa siya bilang top 1 mula sa 65 iba pang kandidato sa pagkasenador sa 2025.

BASAHIN: Erwin Tulfo, nanguna sa senatorial survey ng Pulse Asia