January 10, 2026

Home SHOWBIZ

PBB Celebrity Collab Edition, magsisimula na sa Marso!

PBB Celebrity Collab Edition, magsisimula na sa Marso!
Photo Courtesy: PBB (FB)

Pinetsahan na ang makasaysayang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ng GMA Network at ABS-CBN.

Sa latest Facebook post ng PBB noong Lunes, Pebrero 10, inanunsiyo nila kung kailan magsisimula ang patok na reality show sa bansa.

“If this doesn't top all of TV History, I don't know what will! Taas kamay ng mga excited na para sa pinakamaningning na pagsisimula sa loob ng Bahay Ni Kuya! ” saad sa caption.

Dagdag pa nila, “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mapapanood na ngayong March 9 sa GMA!”

'Naaawa ako sa mga crew!' Marian Rivera, imbyerna sa mga laging late sa set

Matatandaang opisyal nang inanunsiyo noong Linggo ang Kapuso host na makakasama nina Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa PBB.

MAKI-BALITA: Gabbi Garcia, Kapuso host ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab'

MAKI-BALITA: Robi Domingo, Bianca Gonzalez hosts ng PBB collab; sinong Kapuso stars ang makakasama?

Pero bago pa man ito ay nauna nang ipinahiwatig noong Enero 25 ang pagbabalik ng nasabing reality show ng ABS-CBN.

MAKI-BALITA: 'Big Balita' ng PBB, hinuhulaan; mapapanood na raw ba sa GMA?