Nagpaabot ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkapanalo ng kandidata ng Pilipinas na si Dia Mate bilang Reina Hispanoamericana 2025, subalit sinita nila ang disenyo ng congratulatory art card para sa kaniya.
MAKI-BALITA: Dia Mate ng Pinas, waging Reina Hispanoamericana 2025!
Ayon sa Facebook post ng NHCP, labag umano sa "Flag and Heraldic Code of the Philippines" ang poster at print materials na ginamitan ng watawat ng Pilipinas para sa pag-congratulate kay Mate.
"Ang pubmat na ito ay lumalabag sa Batas Republika Blg. 8491 o ang 'Flag and Heraldic Code of the Philippines' na nagbabawal sa paggamit ng Pambansang Watawat ng Pilipinas sa mga poster at print materials. Makikita rin na baligtad ang ayos ng watawat ng Pilipinas sa kanilang pubmat," paliwanag nila.
"Gayunpaman, binabati namin si Bb. Dia Maté na kinoronahang Reina Hispanoamericana 2025, tunay siyang #LatinaSlayer."
Dagdag pa nila, "Laging tandaan, ang panata ng bawat Pilipino ay dapat #TapatSaWatawat.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang nasa likod ng paggawa ng art card tungkol dito.
MAKI-BALITA: Dia Mate ng Pinas, waging Reina Hispanoamericana 2025!