February 11, 2025

Home BALITA Metro

DLSU, magpapatupad ng 'Alternative Learning Day' para sa EDSA anniversary

DLSU, magpapatupad ng 'Alternative Learning Day' para sa EDSA anniversary
Photo Courtesy: DLSU (FB), via MB

Ipapatupad ng De La Salle University (DLSU) ang “alternative learning day” sa darating na Pebrero 25 bilang paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa Facebook ng DLSU kamakailan, sinabi nilang susupendihin daw ang mga klase at trabaho sa loob ng kampus sa nabanggit na araw.

“Students, faculty and staff are encouraged to participate in activities commemorating the event during this Alternative Learning Day,” saad ng pamantasan.

Dagdag pa nila, “All campuses shall remain open for the holding of alternative activities.  Libraries, however, shall be closed.”

Metro

Lalaki, nag-amok sa kalsada matapos maingayan sa busina ng mga motorista

Matatandaang batay sa inilabas na listahan ng Malacañang noong Oktubre 2024, hindi muli kasama ang EDSA anniversary sa holidays ngayong 2025.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng mga holiday para sa 2025