February 11, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Patok na tindero ng fried chicken, ibinahagi sikreto ng negosyo niya

Patok na tindero ng fried chicken, ibinahagi sikreto ng negosyo niya
Photo Courtesy: Screenshots from Bernadette Sembrano (YT)

Ano nga ba ang sikreto ni Ronie Entoma o kilala rin bilang “Kuya Buddy” sa likod ng kaniyang patok na negosyong fried chicken na matatagpuan sa kanto ng Orosa at Pedro Gil sa Maynila?

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Linggo, Pebrero 10, isa-isang ibinahagi ni Kuya Buddy ang mga tip na nakatulong sa negosyo niya.

“Bago kumain ‘yan [customer], tinatanong ko kung anong lasa. Maalat ba? Para mabago; ma-adjust ko ‘yong timpla ko,” saad ni Kuya Buddy.

Ikalawa, dahil wala raw nagluluto ng pritong manok noong una para itinda sa pwesto niya, iyon ang pinili niyang negosyo.

Human-Interest

‘Purrfect date!’ PAWS, handog ang ‘FURST DATE’ para sa animal lovers sa Valentine’s Day

Aniya, “Kasi nakita ko doon pares. Subukan ko kaya ‘tong manok.” 

Dagdag pa niya, bagama’t mura ang presyo ng produkto dapat ay masarap pa rin. Hindi raw nakokompromiso ang lasa. Saka pinakahuli, maayos ang customer service.

Samakatuwid, ang bottomline ng negosyo ni Kuya Buddy ay nakabase sa kagustuhan niya na maging masaya palagi ang kaniyang mga customer.

“Sabi ko nga, kahit malaki ang manok, ₱40 pa rin,” wika niya.

Ayon kay Kuya Buddy, isang taon pa lang daw simula nang umpisahan niya ang pagtitinda ng pritong manok sa gilid ng kalye.

“Mahirap magtambay. Wala kang kikitain sa tambay kasi. Lalo na dito sa lugar namin,” dugtong pa niya.

Sa kasalukuyan, bagama’t gusto na raw ni Kuya Buddy na palawakin ang negosyo niya, hindi pa rin niya magawa dahil baka sumablay ang produkto kapag hinawakan ng ibang tao.