February 11, 2025

Home BALITA Eleksyon

Midterm Election activities, inaasahang makapagbibigay ng maraming trabaho—DOLE

Midterm Election activities, inaasahang makapagbibigay ng maraming trabaho<b>—DOLE</b>
Photo courtesy: DOLE, Comelec/Facebook

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na maaari umanong makapagbigay ng iba't ibang trabaho ang ilang mga aktibidad na may kaugnayan sa 2025 National and Local Elections (NLE). 

"Ang mga activities sa political exercises ay makakadagdag sa paghahanapbuhay," ani Laguesma sa media nitong Lunes, Pebrero 10, 2025. 

Dagdag pa ni Laguesma, "Kada taon ay mayroon kaming binabantayan sa mga emerging occupations to be able to respond and address changes and developments, kabilang na diyan ang mga geopolitical events."

Nilinaw din ng DOLE na mahigpit nilang binabantayan ang paggamit ng Artificial Intelligence (A.I.) ngayong election period at ang posible raw na epekto nito sa labor market. 

Eleksyon

Campaign period para sa mga senatorial candidate, partylist, aarangkada na!

"Nakakakita naman tayo ng mga trabaho na lumalabas. Kailangan masubaybayan nang mabuti dahil baka makapinsala sa ating mga manggagawa," anang Labor secretary. 

Saad pa ni Laguesma, “Yung mga repetitive, manual, administrative na trabaho, talagang mapapalitan yan. Puwede sabihin na maliit pa ngayon yan pero lalaki. Always the bottomline is to look at how we can protect ang ating mga manggagawa."