Kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero na magsisimula ang paglilitis ng Senado sa naipasang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo.
Sa isang press conference nitong Lunes, Pebrero 10, tinanong si Escudero kung kailan ang “actual” na impeachment trial laban kay Duterte.
“Most likely when the new Congress already enters into its functions, that means after SONA,” sagot ni Escudero.
“SONA, I think, is on July 21. So the trial will commence after that day,” saad pa niya.
Matatandaang noong Miyerkules, Pebrero 5, nang maiakyat na sa Senado ang impeachment complaint laban kay Duterte matapos itong aprubahan ng House of Representatives sa pamamagitan ng mahigit 215 na pirma ng mga mambabatas.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng solons na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara
Sa isasagawang impeachment trial ng Senado, kinakailangan ng two-thirds na boto, o 16 sa 24 senador, upang tuluyang mapatalsik si Duterte sa puwesto.