Nanguna si ACT-CIS Party-List Rep. Erwin Tulfo sa senatorial survey ng Pulse Asia para sa 2025 midterm elections.
Base sa tala ng Pulse Asia, nakatanggap si Tulfo ng 62.8% overall voter preference, dahilan kaya’t mag-isa siya bilang top 1 mula sa 65 iba pang kandidato sa pagkasenador sa 2025.
Nasa 2nd-3rd ranking naman sa survey si Senador Bong Go na nakatanggap ng 50.4% na boto, habang nasa 2nd-4th ranking si dating Senate President Tito Sotto may natanggap na 50.2%, at nasa 3rd-8th ang broadcaster na Ben Tulfo na may 46.2%.
Samantala, nasa 4th-8th places sina Senador Pia Cayetano (46.1%) at Senador Bong Revilla (46%), habang nasa 4th-12th sina Senador Imee Marcos (43.4%) at dating Senador Ping Lacson (42.4%).
Nasa rank 7th-13th place naman sa survey si TV host Willie Revillame (41.9%), habang nasa 7th-14th rankings sina Senador Bato dela Rosa (41.2%), Makati City Mayor Abby Binay (41.1%) at dating Senador Manny Pacquiao (40.6%).
Samantala, nakatanggap si Las Piñas Rep. Camille Villar ng 38.4% na overall voting preference, dahilan kaya’t napunta siya sa 9th-14th na ranggo, habang nakatanggap naman ng 37.7% si Senador Lito Lapid na nasa 10th-14th places.
Nasa 15th-16th places naman si dating Senador Kiko Pangilinan (29.1%), 15th-18th si dating Senador Bam Aquino (27.4%), at nasa 16th-18th places sina dating Senador Gringo Honasan (25.2%) at dating DILG chief Benhur Abalos (24.8%).
Isinagawa raw ng Pulse Asia ang survey mula Enero 18 hanggang 25 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 respondents sa bansa na may edad 18 pataas.