Ang pambato ng Pilipinas mula sa Cavite na si Dia Mate ang itinanghal na Reina Hispanoamericana 2025 sa ginanap na coronation night ng pageant sa Bolivia nitong Lunes, Pebrero 10, oras sa Pilipinas.
Nanaig ang kagandahan ni Mate suot ang gold gown na gawa ng designer na si Rian Fernandez.
Pasabog din ang kaniyang national costume na nagtatampok sa baroque churches ng Pilipinas, na dinisenyo ni Ehrran Montoya. Dahil dito, siya ang nakasungkit ng Best in National Costume award.
Natanong naman si Mate sa Question and Answer Portion, ng tanong na "What values do you think are the most important to our society, and why do you think this is important?”
"I think the most important value that we should have is kindness. In my experience here in Bolivia, Latinas have shown me so much kindness and so much love even though racially I am not Latino.”
“And the most beautiful thing I've noticed is that even though we don't speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God, and I hope this shows everybody that if we use kindness we can show that we are all the same and can create a better world and a better society for us all," dagdag pa niya.
Si Mate ay pangalawang Pilipinang nakapag-uwi ng korona at titulo, matapos manalo rito ni Kapuso actress Winwyn Marquez noong 2017.
MAKI-BALITA: Winwyn, winner ng Reina Hispanoamericana 2017