“So in the meantime petiks lang ‘yung nakaupo sa OVP na abusuhin ang kapangyarihan.
”Ito ang iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña matapos isiwalat ni Senate President Chiz Escudero na magsisimula ang paglilitis ng Senado sa naipasang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nitong Lunes, Pebrero 10, nang sabihin ni Escudero na sa pagkatapos ng SONA ni Marcos sa Hulyo 21 sisimulan ng mga senador ang impeachment trial kay Duterte.
MAKI-BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz
“After SONA pa daw sa July ang impeachment?” pag-react naman ni Cendaña nito ring Lunes.
“So in the meantime petiks lang ‘yung nakaupo sa OVP (Office of the Vice President) na abusuhin ang kapangyarihan. Totoo ang sinasabi ng mga lumang poster—’JUSTICE DELAYED IS JUSTICE DENIED’,” giit pa niya.
Matatandaang si Cendaña ang nag-endorso sa unang impeachment complaint na inihain ng civil society leaders laban kay Duterte noong Disyembre 2024, kung saan kasama sa binanggit nilang grounds ang “culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes.”
MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders
Miyerkules, Pebrero 5, naman nang maiakyat na sa Senado ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Duterte matapos itong aprubahan ng House of Representatives sa pamamagitan ng mahigit 215 na pirma ng mga mambabatas.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng solons na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara