Matapos batikusin sa social media, humingi ng paumanhin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa “offensive comments” niya tungkol sa mukha ni Akbayan Rep. Perci Cendaña, na isang stroke survivor.
Matatandaang noong Biyernes, Pebrero 7, nang magbigay ng komento si Bato sa isang balita tungkol sa sinabi ni Cendaña laban sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na “mas masakit pang maiwanan ng boyfriend o girlfriend kaysa ma-impeach ng House of Representatives.”
MAKI-BALITA: Akbayan sa hirit ni VP Sara hinggil sa impeachment: ‘Teh, hindi ito usapang jowa!’
“Kanang imonang nawong gisagpa na sa dile ingun nato busa nahiwi. Duol dire nako beh kay akoy sagpa sa pikas nawong nimo para mabalanse (‘Yang mukha mo, sinapak ng 'di natin alam kaya ngiwi. Lumapit ka nga dito kasi sasapakin kita sa kabilang mukha mo para balanse),” mababasang sa komento ni Dela Rosa.
Matapos mag-viral ang burado nang komento ng senador, naglabas ng pahayag si Cendaña nitong Sabado, Pebrero 9, at sinabing “‘TABINGI ANG MUKHA’ ko dahil ang ‘BAKLANG NGIWI’ na ito ay stroke survivor. Yakap na mahigpit sa mga kapwa ko stroke survivor.”
Sa hiwalay na pahayag ay pinalagan din ng Akbayan Rep. ang isa pang bahagi ng komento ni Dela Rosa na sasapakin daw siya nito.
MAKI-BALITA: Cendaña kay Dela Rosa: 'Sana ganyan din siya katapang sa China'
Dahil dito, nito lamang Linggo, Pebrero 9, nang maglabas na ng pahayag si Dela Rosa upang humingi ng tawad sa kaniyang nabitiwang mga salita na tinawag niyang “offensive comments.”
“The past few days have weighed heavily on Filipinos, especially sa aming mga Mindanaoans at ibang Cebuano speaking people. Maraming nagalit, at dahil sa nag-empathize ako sa galit nila, nakapagbitiw ako ng mga salitang hindi maganda at nakapanakit ng damdamin ng iba,” ani Dela Rosa.
“I apologize for what I said and did, particularly in failing to see the bigger picture. My apologies to Congressman Perci Cendana for my offensive comments on his person. I wish him good health.”
“I make no excuses and I take full responsibility for the hurt my words have caused,” saad pa niya.
Matatandaang si Cendaña ang nag-endorso sa unang impeachment complaint na inihain ng civil society leaders laban kay Duterte noong Disyembre 2024, kung saan kasama sa binanggit nilang grounds ang “culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes.”
MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders
Noon lamang namang Miyerkules, Pebrero 5, nang i-impeach ng House of Representatives si Duterte matapos lumagda sa ikaapat na impeachment complaint ang 215 mambabatas.
MAKI-BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte
MAKI-BALITA: ALAMIN: Listahan ng solons na pumirma sa impeachment laban kay VP Sara